Yeah, tinatamad na ako magtrabaho pero I have to work hard for me and my mom lalo at ako na ang inaasahan niya. Ngayon nga naghahanap ako ng apartment kasi balak namin by November dito na siya para mas makatipid kami sa bayarin. Marami akong napagtanungan na katrabaho pero di ko pa navisit kasi tinatamad ako haha. Lage naman akong tinatamad, pag off ko nga kahit sobrang bored, di ako umaalis ng dorm!
Nga pala, about dun sa TeamBuilding namin nung Oct 1. Ok naman, medjo masaya narin. Medjo lang kasi tinulugan ko silang lahat after magswimming dahil sobrang antok ako, tsaka nag-iinuman sila e hindi naman ako umiinom. KJ na kung KJ e ganun ako e hehe.
Yung Vball praktis naman namin, ok narin. 1 time lang kami nagtraining tapos sa Thursday na yung laban! Kaloka! Ewan ko lang kung manalo kami. Wala pa nga akong uniform kasi nalate ako magbayad dahil Off ko nung nagsingilan sila. hay!
Oh well, nga pala, nag-away kami ni Jenny! Nakakainis kasi mga sinabi niya kay Regine. Sila una nag-away dahil sa pera, kasi ginigipit ni Jenny si Regine na magbayad. Tapos ayun di sila nagkasundo. Tapos binalita nga ni Regine na sabi raw ni Jenny sa kanya na wag na siya pupunta samin after nung libing ni Daddy ko. Hello? Sino siya para sabihin yun?
Minessage ko siya...
Lalaine Larson
dude. ang sama-sama ng loob ko sayo. alam ko marami kang naitulong sa amin bilang kaibigan pero grabe yung ginawa mo.
bakit mo sasabihin kay regine na wag na siyang pupunta samin pagkatapos nung libing ng daddy ko? may nagawa ba kaming sobrang sama sayo? kahit na anu-anong pinaggagawa mo sa buhay mo, wala kameng sinabi dahil alam namin na ikapapahamak mo yun. wag ka mag-alala, makaangat lang ako sa buhay, babayaran ko utang namin sayo. paxenxa na kung ikaw lage inuutangan kapag nangangailangan kame at di agad makabayad. pero gagawa namn ako ng paraan pra makabayad kami.
kung may nagawa man kaming masama sayo, Sorry kung anu man yun. at kung may gusto ka pang sabihin sa akin, sabihin mo ng harapan. magsabihan na tayo ng sama ng loob.
and her response...
Jenny Anderson
Laine,
Mas nakakasama ng loob yang mga sinasabi mo sakin ngayon. Isang tao palang napapakinggan mo, hinuhusgahan mo na ako agad. Alam mo, hindi ko papatulan lahat ng mga binibintang mo, sana lang nagtanong ka muna bago ka namintang diba! Pero dina mahalaga sakin kung ano pa mga sasabihin mo, ngayon kolang napag-isip2 kung anong mga klaseng kaibigan meron ako.Maraming Salamat sainyong dalawa ni Regine.!!!
I admit. Medjo nakunsensya ako kasi tama naman siya, di muna ako nagtanung. Pero inisip ko nalang kung bakit mas pinaniwalaan ko si Regine kesa sa kanya at naging ok na ako. Tapos binlock niya kmaing tatlo nila Kim sa Facebook. Whatever!
Sana lang kung anu man ginagawa niya e hindi maapektuhan ang future niya para di mawala kung anu man meron siya ngayon.